Pastel Tumblr Themes

*FASHION AND LUXURY* This tumblr page is for all the girls who love fashion. Elegant, Classy, Preppy, Casual, Girly, Party outfits. ♥♥ SHAR ♥♥ 17 ♥ Ateneo de Manila Universtiy ♥ Dancer ♥

Marami sa atin ang may paniniwalang kapag ikaw ay nakapagtapos ng pag-aaral, magiging maganda and iyong hinaharap. Ngunit, hindi naman talaga ganun ang palaging nangyayari. May mga taong nakapagtapos nga sa pag-aaral, ngunit tinamad nang magtrabaho dahil masyado silang napagod sa pag-aaral simula bata. Ang iba naman ay hindi natatanggap sa trabaho kahit nakapagtapos ng kolehiyo.

Marami rin sa atin ang naniniwalang kapag nang galing ka sa isang magandang unibersidad, madali kang makakakuha ng trabaho dahil madalas itong gawing basihan ng mga kumpanya. Isa na sa mga naniniwala sa ganyang kaisipan ang aking nanay. Pumasa kasi ako sa University of the Philippines, Diliman. Ngunit mas gusto ko pa rin talagang mag-aral sa Ateneo. Nag-aral kasi ako simula Nursery sa Miriam College at hindi nalalayo ang “environment” ng Ateneo sa Miriam. Ang kinaibahan lang ay ang paghahalo ng babae at lalaki sa paaralan. Ito ang isa sa mga dahilan ko kung bakit naging “dream school” ko ang Ateneo. Pero mas gusto talaga ng nanay ko ang UP. Sabi niya, kapag doon daw ako mag-aral, hindi na raw ako mahihirapang maghanap ng trabaho. Ngunit hindi naman talaga nakabase ang kakayahan ng isang tao sa unibersidad na pinanggalingan nito.

Ang larawan sa itaas ay ipininta ng pinakaunang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Fernando Amorsolo. Pinamagatan itong “Returning Fisherman”.

Ang larawang ito ay nagpapakita ng tradisyunal na pag-iisip. Makikita rito ang itinalagang tungkulin ng lipunan sa mga babae at lalaki. Makikitang nanggaling sa dagat ang ama ng isang sanggol. Kasama niya sa isang bangka ang mga haligi ng kani-kanilang tahanan. Makikita rito na ang mga kalalakihan ang nagtratrabaho at bumubuhay sa kanilang pamilya. Ang mga babae naman ang naiiwan sa bahay at nagaalaga sa kanilang mga anak. Ito ay dahil sa tradisyunal na kaisipan ng tao na mas may kakayahang magtrabaho ang mga lalaki dahil sila ay mas malakas kumpara sa mga babae.